Granada sa dump site natagpuan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng isang backhoe operator ang isang granada habang naghahakot ng mga basura sa  isang dump site sa Brgy. San Miguel, Pasig City kama­kalawa ng hapon.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Pasig City Police na, dakong alas-4:00 ng hapon, naghahakot ng basura ang backhoe operator na si Prado Toribio sa IPM Dump Site, Sandoval Ave., Brgy. San Miguel nang makita ang naturang pampasabog.

Kaagad naman niya itong ipinaalam kay Francisco delos Reyes na siyang manager ng dumpsite, at siyang nag-report ng insidente sa Pasig Police.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-5 at Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Pasig Police at nirekober ang pampasabog  na nang busisiin ay natukoy na isa palang stun grenade o flashbang.

 

GRANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with