Puslit na smartphones nakumpiska sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang may 825 smuggled branded smartphones at mga aksesorya nito na mahigit sa P15 million ang halaga.

Sinabi ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan na ang mga smartphones ay dumating sa paliparan galing South Korea noon pang nakaraang buwan.

Ayon kay Talusan, ang mga smartphones ay dineklarang used cell phones at inilagak sa TMW warehouse ilang metro ang layo sa NAIA Terminal 1. Hindi agad nila ito kinumpiska dahil hinihintay pa nilang mag-file ng entry ang importer/broker ng nasabing kargamento.

Sabi ni Talusan na sinamsam nila ang mga smartphones na Samsung S10 plus, Samsung S9 plus, Samsung S10, Samsung Note 9, Note 10, LG, Samsung A5, Samsung A7, Iphone 8, Samsung earphones at airpords dahil ang mga ito ay used phones ayon sa pagkaka-deklara kaya kailangang kumuha ang may-ari nito ng permiso mula sa National Telecommunication Communication para payagan silang makalabas sa bureau.

‘Malamang hindi sila payagan for security reasons dahil nga segunda mano ang mga smartphones baka magkaroon ng aberya ang mga celphones at ang mga taong gagamit nito ang mapinsala. Baka bigla na lamang sumabog ang mga baterya nito habang may ginagamit ang cellphone.’ ani Talusan.

 

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with