^

Metro

Misis binoga si mister bago nagbaril sa sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng kanilang sasakyan

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang misis habang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang kanayang mister nang barilin ng una bago nito barilin ang sariling sentido habang nasa loob ng kanilang sasakyan sa Bilibid Viejo St., Quiapo, Maynila kamakalawa  ng hapon.

Kinilala ang nasawing ­ginang na si Ellaine Timola, 32  habang kritikal ang kanyang mister na si Alex Timola, 32, kapwa nakatira sa Interior 17, Bilibid  Viejo St., Quiapo, Maynila.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Manila Police District-Station 3 kay MPD director  P/Brig. Gen. Vicente D. Danao Jr., dakong alas -5:30 ng hapon kamakalawa  nang mapansin ng isang Michael Apellido, 31, nakatalagang security guard sa Yunitrade Residences YMCC Building ang pagtatalo sa loob ng isang nakaparadang kulay pula na Mirage na mag-asawa.

Kasunod nito ay narinig na ang magkasunod na putok ng baril at nang alamin ay nakitang kapwa duguan na ang mga nakaupong lalaki at babae sa loob ng kotse.

Nakitang wala ng buhay ang babae na nakaupo sa passenger seat habang hawak ang kalibre .38 revolver habang nakitang  humihinga pa ang lalaki na nakaupo sa driver seat kaya isinugod ito sa Mary Chiles Hospital.

Una rito, ang dalawa umano ay inireklamo sa barangay ng mga pinagkakautangan na umabot na sa halagang P1.8 milyon para makakuha umano ng certificate to file action para sa isasampang kaso.

Lumutang naman umano sa barangay ang mag-asawa at pagkatapos nang pakikipag-usap sa barangay ay nagtungo na sa kanilang sasakyan ang mag-asawa na dito nga naganap ang pagtatalo.

May dalawang anak ang mag-asawa na sinasabing nabaon sa utang dahil sa casino. 

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para silipin kung may naganap na foul play sa  pangyayari.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with