‘No garage, no permit’ ordinance sa Marikina, pinuri ng DILG
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang ‘no garage, no permit ordinance’ ng Marikina City na nakatulong ng malaki na linisin at paluwagin ang mga kalsada.

Sinabi ni Año na ang pagpasa ng Marikina City ng ordinansa na nagbibigay pahintulot sa mga motorista na gamitin ang mga kalsada ng mga subdivision at ordinansa na nag-uutos na “no garage, no permit” ay lubhang kinakailangan upang mabigyang-lunas ang matagal ng suliranin sa trapiko ng Metro Manila.

“Upang maibsan ang malalang trapiko sa bansa, kinakailangang manindigan at magpakita ng political will ang mga pamahalaang lokal sa pagsasabatas ng mga bagong polisiya at pinupuri namin ang Marikina City sa pagtugon dito,” sabi ni Año.  

Ang ‘no garage, no permit ordinance ‘ay ipinatupad ng Marikina City at alinsunod sa ilalim ng polisiyang ito, hindi gagawaran ng pamahalaang lungsod ng permit ang mga negosyo na hindi makakapagbigay ng karampatang pasilidad sa parking.

 “Hinihikayat din natin ang lahat ng mga LGU sa bansa na sundan ang ginagawa ng Marikina City at maging matapang sa pagpapasa ng kanilang mga ordinansa,” dagdag niya.

Bukod dito, kamakailan lamang ay naglabas ng ordinansa ang Marikina City na  nagbubukas ng mga pribadong subdivision upang payagan ang publiko na makadaan at gamitin ang kanilang mga kalsada.

MARIKINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with