Sinisiyasat ng SOCO ang mga ebidensya at maging ang labi ng isa sa dalawang miyembro ng ‘Buratong drug syndicate’ na napatay sa naganap na shootout sa Pasig City. Nakamasid naman si NCRPO chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Kuha ni Miguel de Guzman
2 miyembro ng ‘Buratong’ todas sa buy-bust
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

P6.8 milyong droga nasamsam

MANILA, Philippines – Todas ang dalawang miyembro ng ‘Buratong drug syndicate’ makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Jalal Salamoden, alyas Bon Jovie, ng  Mandaluyong City at Sampiano Rason, alyas Sonny, ng Brgy. Rosario Pasig City.

Ang shootout ay naganap dakong alas-2:00 ng mada­ling araw sa harap ng isang convenience store at gasoline station sa Felix Ave., corner Kabayanihan St., Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang pinagsanib na puwersa ng Pasig Police, NCRPO at PDEA-NCR laban sa dalawa.

Matapos ang ‘drug deal’ ay sinasabing nakatunog ang dalawang suspek na isang undercover agent ang kanilang naka-transaksiyon kaya bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang pulis na masuwerteng hindi naman tinamaan.

Agad ding pinatakbo ng mga suspek ang kanilang motorsiklo kaya hinabol sila at nagkaroon ng ‘running gun battle’ hanggang sa makorner pero sa halip na sumuko ay lumaban pa rin sa mga awtoridad na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober ng pulisya mula sa dalawa ang isang kilo ng droga na nagkakahalaga ng P6.8-M, isang kalibre 45, isang 9MM na baril, mga bala at tricycle na kanilang ginamit.

Ayon kay P/Major Gene­ral Guillermo Eleazar, director ng NCRPO, matagal ng sinusubaybayan ang ilegal na operasyon ng mga suspek sa ilalim ng ‘Silent Sentinel’ dahil sa pagi­ging ‘high profile’ na siyang responsable sa pagpapakalat ng droga sa Pasig City, Eastern part ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya.

Ang sindikato ay itinatag ni Amin Imam Buratong na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) na siyang nasa likod ng “Shabu Tiangge” sa Mayapa Compound, Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Nang madakip si Amin ay ipinagpatuloy ang operasyon ng sindikato na pinamunuan ng pinsan nito na si Acsaimin Buratong, alyas Mac-Mac.

Sinabi ni Eleazar, na ‘armed and dangerous’ ang bawat miyembro ng sindikato.

BURATONG’
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with