Lalaking nanghalay sa may kapansanan, arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lala­king umano’y nanghalay ng isang babaeng may diprensiya sa pag-iisip sa loob ng isang tricycle sa La Loma, Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen Joselito Esquivel Jr., ang suspek na si Rendel Mancera, 29, ng G. Roxas corner Tendido St., La Loma ay inaresto dakong alas-3:30 ng madaling araw sa natu­rang lugar, matapos umanong halayin ang 20-anyos na biktima.

 Sa salaysay sa pulisya ng ama ng biktima, na mi­yembro ng Barangay Peace and Order Officer (BPSO) sa lugar, natukoy na nakasakay ang suspek sa tricycle nang makita ang biktima.

Tinawag umano ng suspek ang biktima saka ito sapilitang isinakay, pinaghahalikan, hinawakan sa dibdib at ipinasok ang kaniyang daliri sa maselang bahagi ng pagkababae nito.

Nang rebyuhin ang CCTV footage, dito na nakita ang ginawang kahalayan ng suspek sa biktima, sanhi upang kaagad itong arestuhin nina Dagohoy, kasama sina BPSOs Jude Erwin M. Lopez at Regina I. Reyes.

Nakapiit na sa QCPD-La Loma Police Station (PS1) ang suspek at sasampahan ng kasong rape sa piskalya.

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with