2 apartment unit sa Pasay sinalakay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Ginagamit sa pamimirata at online gambling

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Pasay Business Permit and Licensing Office (BPLO) katuwang ang Pasay City Police ang dalawang apartment unit na iligal na ginagamit ng isang Hong Kong national sa pamimirata at online gambling, kahapon ng umaga sa naturang lungsod. Sa ulat, alas-10 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa pangunguna ni Noel Bilusi ng BPLO sa apartment compound sa may Taft Avenue, Pasay na pag-aari ng isang Tess Rivera.

Pagpasok sa loob ng compound, dito natuklasan ng mga tauhan ng BPLO ang ilang bodega na iniimbakan ng mga pekeng produkto tulad ng pabango, t-shirt at mga pagkain na pawang may nakasulat na Chinese characters. Sa isang apartment unit, nadiskubre ang isang kuwarto na hinihina­lang ginagamit sa online gambling ng mga Chinese nationals.

Nabatid na inuupahan ng isang Ivan Co, isang Hong Kong national, ang dalawang apartment unit. 

Mismong si Rivera ang nagsuplong sa BPLO makaraang malaman niya na pinau­upahan din ni Co ang kanyang apartment sa iba ng hindi niya nalalaman.

Siyam na Chinese nationals kabilang ang pitong lalaki at dalawang babae ang naaktuhan sa apartment at nang berepikahin ay pawang mga walang kaukulang working permits. Dito inihain ni Bilusi ang “closure order” para sa naturang apartment building.

Patuloy na iniimbentaryo pa ang mga nakumpiskang kontrabando habang isinasailalim sa pagtatanong ang mga inimbitahan na Chinese nationals.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with