Si QC Mayor Joy Belmonte nang pangunahan ang dengue information drive kung saan namahagi pa ito ng mosquito repellant spray sa mga mag-aaral sa West Fairview Elementary school sa lungsod.
Kuha ni Boy Santos
Anti-dengue operation sa Quezon City, pinangunahan ni Mayor Joy Belmote
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinangungunahan kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang anti dengue operation sa Brgy. West Fairview sa Quezon City.

 Namahagi rin si Belmonte sa barangay health center at barangay hall ng mga gamit para sa paglilinis ng kapaligiran at pamuksa laban sa mga lamok tulad ng oliset nets at mga gagamiting insect repellant para sa spraying activities.

Unang isinailalim sa clean up drive  ang West Fairview Elementary School.

 Ayon kay Mayor Belmonte, pinalawak pa nila ang anti-dengue operation kasunod ng mataas na bilang ng tinatamaan nito sa lungsod  lalo na  sa Fairview.

 Anya, susunod sa operasyon kontra dengue ang iba pang lugar sa QC na may mataas din ang kaso ng sakit na dengue tulad ng  barangays Payatas, Commonwealth, Holy Spirit, Batasan, Pasong Tamo, Bagong Silangan, Bagbag, Tandang Sora at Tatalon.

 Sa rekord ng QC Health department, nakapagtala sila ng may  3,502 kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto 10 ngayong taon at 29 na ang  nasawi sa dengue sa lungsod.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na mas mababa naman ang bilang ng kaso ng dengue sa QC ngayon ng may 15 percent kung ikukumpara sa kaparehong period noong 2018.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with