3 mag-uutol tiklo sa droga
MANILA, Philippines – Arestado sa mga awtoridad ang tatlong magkakapatid na babae na sinasabing tulak ng droga sa isinagawang anti-criminality operations sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ang magkakapatid ay nakilalang sina Carmie Miranda, alyas Carmen; 35, Honelyn Miranda, alyas Leleng, 29 at Marylyn Miranda, alyas Yheng, 27 na pawang residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Inaresto ang tatlo dakong alas-7:00 ng gabi sa 54B Interior Masaya, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Nakumpiska sa magkakapatid ang 10 sachets ng shabu na may timbang na 3 grams na nagkakahalaga P20,400, tatlong cellular phone at drug paraphernalia.
Sa rekord ng pulisya ay nadakip na rin sa drug operation si Honelyn at napalaya lamang dahil sa plea bargaining.
- Latest