Tandem na menor de edad, huli sa holdap
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang  menor de edad na magka-angkas sa motorsiklo ang nadakip matapos mangholdap ng dalawang dayuhan sa magkasunod na pagkakataon, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nai-turnover na sa Manila Department of Social Welfare ng Manila Police District ang mga suspek na hindi na pinangalanan at kapwa residente ng Maynila.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang unang maaresto ang 16- anyos na binatilyo nang mismong ang biktimang si Mohmad Aljaroc, 51, residente ng San Andres Bukid sa panulukan ng Bocobo at Malvar Sts., Malate at ang 17-anyos naman ay nadakip sa follow-up operation sa nasabi ring lugar.

Nauna rito, naglalakad si Aljaroc sa Salas St. nang biglang dikitan ng mga suspek na riding in tandem at ina­gaw ang IPhone XS Max na nagkakahalaga ng P85,000.

Mabilis na sumakay ng kotse si Aljaroc at sinundan ang mga suspek  atsa pagsapit sa Bocobo St. ay nasaksihan pa niya ang pang-aagaw ng wallet ng mga suspect sa isang Korean national na kinilalang si Hwang Dooho, 21, kaya mabilis na sinundan muli ang papatakas na mga suspek.

Nang abutan ay binunggo niya ang motorsiklo at bumagsak at nahulog ang mga suspek na nagkaniya-kaniyang takbo hanggang sa mahuli ni Aljaroc ang isa at agad na dinala sa Remedios Police Community Precinct (PCP).

Sa pagresponde ng mga pulis ay naaresto pa ang isa.

POLICEMAN ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with