Lolo na dawit sa child rape, tumalon mula 3rd floor, lasog
MANILA, Philippines — Lasog ang isang 66-anyos na lolo makaraang tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang ini-inquest sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong rape, kahapon ng hapon.
Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang lolong suspect na kinilalang si Ricardo Reyes, ng Pandacan, Maynila.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Ho-micide Section, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insi-dente sa loob ng Manila City Hall.
Isasalang pa lang umano sa inquest proceedings si Reyes nang dumaing na nahihilo at paninikip ng dibdib kaya’t humingi ng tubig. Dito pansamantalang tinanggal ng mga pulis ang posas.
Ilang segundo lang ay agad itong tumakbo sa bintana at tumalon.
Agad siyang isinugod ng mga tauhan ng MPD-Station 10, sa nasabing pagamutan su- balit idineklarang dead-on-arrival alas-3:07.
Si Reyes ay dinakip kamakalawa ng mga tauhan ng Pandacan Police kaugnay sa pangmomolestiya sa isang 7-taong gulang na batang babae. Doris Franche
- Latest