^

Metro

Dagdag na lane sa mga bus sa EDSA, tinutulan ni Nebrija

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “It’s not about the number of lanes. It’s about discipline.”

Ito ang tugon ni MMDA traffic czar Bong Nebrija sa mga humihiling na madag-dagan ang lane para sa mga bus sa EDSA.

Mahaba-ha­bang litanya ang ginawa ni Nebrija na  tinukoy na maging mga pribadong motorista ay malaking dahilan din ng matinding pagbubuhol ng trapiko.

Sa kanyang Facebook live nitong nakaraang Mar­tes, ipinapakita ni Nebrija ang mga pribadong sasakyan na pumapasok sa ‘yellow lane’ para makauna sa trapiko. Dahil dito, naiipit ang mga pampublikong bus dahil sa kaguluhan.

Isang online petition ngayon ang kumakalat sa internet at social media ukol sa hiling na magdagdag ng bus lanes sa EDSA para mapagaan ang daloy ng trapiko. 

Habang nasa kalsada, ilang pribadong sasakyan ang basta na lang lumagpas sa MMDA official na karaniwang ginagawa umano ng mga motorista na hindi pinapansin ang kanilang mga enforcers na nagmamando ng trapiko.

Isang puting SUV pa ang kunwari ay magpapagasolina sa kalapit na gas station ang inutos ni Nebrija na hulihin sa kanyang mga tauhan, sa halip na huminto sa gasolinahan ay dumiretso ng harurot.

 Naniniwala si Nebrija na hindi masosolusyunan ng dagdag na bus lanes ang trapiko sa EDSA at lilikha lamang ng dagdag na mga problema.

 Papayag umano siya dito sa dalawang kundisyon:  Una, ay sumailalim ang mga bus drivers sa “professional re-examination” at ikalawa, ay taasan ang multa sa mga pampublikong sasakyan at pagbabawal sa mga bus sa hindi designated loading at unloading areas.

vuukle comment

NEBRIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with