_ngayon
^
Rape suspect patay sa Manila City Hall bago ma-inquest
Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office, nangyari ang insidente bago pa siya ma-inquest kanina.
Released/MPD SMaRT

Rape suspect patay sa Manila City Hall bago ma-inquest

James Relativo (Philstar.com) - August 21, 2019 - 5:14pm

MANILA, Philippines — Kinitil ng isang rape suspect ang sariling buhay ngayong araw sa Manila City Hall bandang bago mag-alas tres ng hapon.

Kinilala ang nasawi bilang si Ricardo Reyes, 66, na dead on arrival nang maidala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital, Miyerkules.

Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office, nangyari ang insidente bago pa siya ma-inquest kanina.

Humaharap sa kasong panggagahasa ng 7-anyos na batang babae si Reyes, ayon sa impormasyong nakalap mula sa Manila Police District Special Mayor's Reaction Team.

"Ayon po kay MPD Station 10 (Pandacan) chief Julius Añonuevo, nahihilo raw po 'yung suspect, naninikip 'yung dibdib kanina," ani Leonen.

"Nagpakuha po ng tubig kanina at pansamantala muna tanggalan ng posas."

Nang makalagan daw ang suspek, saka na raw niya ginawa ang pagpatay sa sarili.

Kahapon nang mahuli si Reyes ng Pandacan Police Station kaugnay ng diumano'y pangmo-molestiya.

Para sa mga nangangailangan ng tulong hinggil sa kanilang mental health, maaaring tawagan ang crisis hotline ng National Center for Mental Health sa 0917 899 8727 (USAP) and 989 8727 (USAP).

MANILA CITY HALL PROSECUTOR'S OFFICE RAPE SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with