^

Metro

Tatay todas sa hampas ng anak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang ama matapos hatawin ng sagwan sa ulo ng kanyang sariling anak sa harapan ng  kanilang tahanan sa Brgy. Old Balara, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ngunit binawian din ng buhay ang biktimang si Deomedes Gora Pines, 53, construction worker at residente ng Luzon Ave., Brgy. Old Balara, habang arestado naman at nakapiit na ang suspek na si Dominic Vinluan Pines, 24.

 Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Anthony Tejerero ng Quezon City Police District -Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas- 6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng tahanan ng mga Pines.

Nauna rito, nakita umano ni Dominic na nag-aaway ang kanyang mga magulang na sina Deomedes at Mona sa harap ng kanilang tahanan.

Dahil dito, lumabas ng bahay si Dominic at inawat ang mga magulang sa pag-aaway ng mga ito.

Gayunman, sa halip na magpaawat, kumuha umano ng payong si Deomedes at hinambalos ang anak.

Dito na nagalit ang anak at kumuha ng sagwan na kahoy at hinataw sa ulo ang ama, na duguang bumagsak sa semento.

Agad namang isinugod ng misis ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklara rin itong patay ng mga doktor dakong alas-6:37 ng gabi.

 

vuukle comment

TODAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with