MRT-3 tumirik, 780 pasahero pinababa
MANILA, Philippines – Tumirik ang biyahe ng isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kaya pinababa ang may 780 na pasahero sa area ng Makati City, kahapon ng hapon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dakong ala-1:01 ng hapon nang magkaaberya ang tren sa southbound lane ng Ayala Station dahil sa electrical failure.
Kaagad din namang nailipat sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang 11 minuto at naihatid ng ligtas sa kani-kanilang destinasyon.
Ayon sa DOTr-MRT3, ang electrical failure ay dulot ng mga luma nang electrical sub-components, gaya ng main chopper, regulator, at insulator.
Kabilang anila sa remedial measure na kanilang isinagawa ay preventive maintenance at pagpapalit ng mga nasirang electrical components.
- Latest