2 opisyal ng National Museum timbog sa pangingikil sa treasure hunter
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) ang dalawang opisyal ng National Museum na nangikil umano sa treasure hunter na humihingi ng permit. 

Kahapon ng hapon nang madakip sa entrapment operation sina Ernesto Toribio Jr, hepe ng Treasure Hunting Section ng National Museum at Angel Bautista, Acting Director III ng Cultural Properties Division ng National Museum sa labas ng  isang restaurant sa Pasay City, sa pangunguna ni PACC Commissioner Greco Belgica.

 Nang makipagkita umano ang complainant ay kasama nito ang isang kinatawan ng PACC para ibigay ang hinihingi ng mga suspek na P120, 000. kapalit ng permit para sa treasure hunting.

 Sinasabing iniipit umano ni Toribio ang pagpapalabas ng permit para sa complainant at hinihintay muna ang hinihinging halaga.

 Gabi na nang dalhin sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters ang mga suspek para sa ihahaing reklamong katiwalian.

NATIONAL MUSEUM PRESIDENTIAL ANTI-CRIME COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with