Kalaboso ang isang Chinese na dawit sa pag­dukot at pagpiit sa isa nilang kababa­yan dahil sa utang.
Boy Santos
Chinese uli tiklo sa pagdukot sa kababayan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang Chinese national na sangkot sa pagdukot sa kanyang kababayan ang nadakip sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta ni PNP-AKG Spokesman Police Lt. Col. Elmer Cereno ang nasakoteng suspect na si Libu Xu habang ang nasagip na biktima ay nakilala namang si Xiaoguo Bian, 25.

Patuloy namang pinaghahanap ang lima pang mga kidnappers na Chinese na kasamahan ni Xu na pawang sangkot sa loan shark kidnapping group.

Ayon kay Cereno, ang biktima ay natalo sa casino at upang makabawi ay inalok umano ng pautang na umabot sa kabuuang P1.5 -M na ang interes ay P 500.000 ng sindikato nina Xu pero naubos ang nasabing pera sa paglalaro.

Base sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na noong nakarang Agosto 15 ay lumapit ang ama ng biktima sa PNP-AKG at ipinakita ang video ng kaniyang anak na nakakulong sa Pasay Police Station at nang beripikahin ito ng mga ope­ratiba ay nakumpirmang ito ang tunay na piitan ng Pasay City Police Station.

Nabatid naman na ang biktimang si Xiaoguo ay dinala sa nasabing piitan noong Agosto 11 ng apat na Chinese natio­nals na inireklamo na  hindi umano ito nakabayad ng utang  kung saan dahilan sa abala ang imbestigador ay ikinulong  muna ang biktima sa nasabing jail facility.

Matapos ito ay kinunan ng mga suspek ng video si Xiao­guo sa loob ng nasabing piitan pero agad naman itong pinakawalan ng mga pulis matapos na lumitaw sa  pagsisiyasat na walang sapat na batayan para ikulong ang biktima.

Inilipat lang sa ibang lugar ang biktima at habang nasa safehouse ang biktima saka kumontak ang mga suspect sa kaanak nito kung saan humihingi ng ransom.

Nasagip naman ang biktima sa rescue operation ng mga operatiba sa isang hotel sa Pasay City  matapos na dalhin muli dito ng mga suspect.

Positibo namang kinilala ng biktima si Xu na kabilang sa mga bumihag sa kaniya.

Nahaharap naman sa kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention si Xu at mga kasamahan nitong kidnappers na pakay ng hot pursuit operation ng mga awtoridad.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with