Shootout: Karnaper utas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang karnaper habang nakatakas ang kanyang kasama makaraang maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Caloocan City Police na rumesponde sa ulat ng carnapping, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa napaslang na suspek na inilarawan na nakasuot ng itim na pantalon, itim na jacket at itim na helmet.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, binabagtas ng biktimang si Analyn Cortez Bona­fe, 25, CCTV operator ang kahabaan ng West Service Road sa Brgy. 161 sakay ng kanyang Mio type scooter nang harangin siya ng dalawang lalaki lulan din ng isang motorsiklo.

Tinutukan siya ng baril ng isa sa mga suspek saka sapilitang inagaw ang kanyang scooter.

Agad na nakahingi ng saklolo ang biktima sa pulisya na nagpakalat ng alarma. Dito nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Station Investigation Branch at Station Special Operations Unit kung saan namataan nila ang dalawang suspek malapit sa lugar ng carnapping.

Dito nakipagbarilan umano ang mga suspek sa mga pulis hanggang sa mapuruhan ang isa sa kanila.  Narekober ng mga pulis ang Yamaha Mio sporty scooter ng biktima at isang kalibre .38 baril na ginamit ng suspek sa pakikipagbarilan.
Patuloy ang dagdag na imbestigasyon ng pulisya sa insidente at kinikilala ang nakatakas na suspect.

CARNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with