Ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group na nadakip sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng NBI kama­kailan.
Edd Gumban
‘Doktor’ ng Abu, 1 pa huli ng NBI
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na may patong sa ulo na tig-P600, 000,  ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) -Counter Terrorism Division, iniulat kahapon.

Sa pulong-balitaan na pinangunahan ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman III, NBI spokeperson Ferdinand Lavin at CTD chief Raoul Manguerra,iniharap sa media sina Abdulla Addi Danial, alyas Tuma at Aluyudan Guru, alyas Abu Tarik na kapwa dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping  at serious illegal detention  na inisyu ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 266.

Ayon sa NBI, si Tuma ay nadakip sa isang mall sa Zamboanga City ng pinagsanib na pwersa ng NBI, Philippine Navy at Special Action Force.

Si Tuma ay close associate umano nina ASG leaders Khadaffy Janjalani at Isnilon Japilon at nagsilbing manggagamot ng ASG. Sangkot sa pagdukot sa 6 na katao sa Patikul, Sulo noong Agosto 20, 2002 kung saan napugutan ng ulo ang 2 lalaking hostage at ipinanghingi ng ransom ang 4 na babaeng bihag, at positibong itinuro ng witness na perimeter guard. Siya ay nakasuhan kasama ang namatay na si Galib Andang, alyas  Kumander Robot.

Naging manggagamot gamit ang traditional medicine si Tuma nang mamatay ang dating nanggagamot na si ASG leader Gumbahali Abu Jumdail alyas Dr. Abu.

Si Tuma ay sangkot din sa kidnapping ng 21 katao na kinabibilangan ng 19 na banyaga at 2 Pinoy sa Sipadan, Malaysia noong Abril 2000 at pagdukot sa 3 Indonesian sailor na namatay habang hostage pa ng ASG.

Samantalang si Abu Tarik ay nadakip habang nagtitinda ng medyas malapit sa Baclaran LRT station, sa Parañaque City sa isinagawang follow-up operations ng CTD, PN at SAF matapos makakuha ng impormasyon kaugnay sa pagkadakip kay Tuma.

Si Abu Tarik ay kinilala ng mga biktima na nagsilbing perimeter guard sa mga hostage mula sa Golden Harvest Plantation.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with