Koreano nagbaril sa sarili
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tigmak sa sariling dugo at may tama ng bala sa ulo nang matagpuan ang isang tinedyer na Korean national na pinaniniwalaang nagbaril sa sarili sa loob ng kuwartong inuupahan sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Isang tama ng bala sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Gunhyung Kim, 19-anyos.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ni Gunhyung sa loob ng nirentahan na kuwarto sa ikaapat na palapag ng isang kilalang hotel na nasa kanto ng EDSA at Tramo St., sa naturang lungsod. Isang kalibre .22 na baril ang natagpuan din sa tabi ng bangkay ng biktima

Sa salaysay ng acting supervisor ng hotel na si Ayie Calcena sa mga otoridad, alas-4:00 ng hapon nang katukin nila sa kuwarto ang biktima makaraang lumagpas na sa kanyang oras ngunit hindi ito tumutugon.

Dito nagpasya ang pamunuan ng hotel na puwersahang buksan ang pinto ng kuwarto at saka nila nadiskubre ang biktima na duguan at wala nang buhay sa sahig.

Inimbestigahan na rin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang lugar ng krimen habang dinala na sa PNP Crime Laboratory ang kalibre .22 baril na natagpuan sa kuwarto.

KOREANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with