Ex-tserman tiklo sa droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dating barangay chairman sa Pasay City ang nadakip ng pulisya sa isinagawang anti-drug operation sa lungsod, kamakalawa.

Sa ulat ng Southern Police District Office, alas-9:50 kamakalawa ng gabi nang madakip ng mga elemento ng Pasay City Police-Station Drug Enforcement Unit si Carlos Tolentino Jr., alyas “Kap Charlie”, 67-anyos, dating kapitan ng Baragay 104, sa naturang lungsod at kabilang sa drug watchlist ng pulisya. Natiklo si Tolentino nang kumagat sa pain ng mga pulis makaraang bentahan ng isang maliit na plastic sachet ang isang nagpanggap na buyer.

Nadakip din ang kasabwat ni Tolentino na si Estrella Casque.

Dalawang maliit na plastic sachet ng shabu ang nakum­piska sa mga ito habang nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with