^

Metro

Adik utas sa resbak ng kapwa adik

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang adik sa droga na sinasabi ring kilabot na ‘tulak’ nang resbakan at pagsasaksakin sa dibdib ng nakaaway na pawang adik din sa Paco, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Rogelio Bisagre Jr., binata, residente ng No. 1225 Trese de Agosto St., Brgy. 673, ng naturang lugar.

Tugis naman ng mga otoridad ang tumakas na suspek na kinilala lang sa alyas na “Jeng-jeng”, nasa 30-35 anyos, 5’8” ang taas at residente umano sa  Brgy. 679.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang nakitang nagtatalo hanggang sa magsuntukan ang dalawa sa tabi ng Estero de Paco, malapit sa Paco Market.

Naputol ang bakbakan nang umalis ang suspek na maya-maya ay bumalik at agad na inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima bago tumakas dala ang ginamit na patalim.

Sumaklolo naman ang mga tauhan ng barangay at isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with