2 opisyal ng Customs sugatan sa ambush
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawang babaeng opisyal ng Bureau of Customs (BOC) makaraang tambangan sila ng apat na kalalakihan habang ang mga una ay lulan ng isang kotse sa Makati City kama­kalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang kamay si Maricon Manalo, 56-, officer-in-charge ng Formal Entry Division ng BOC habang sa katawan naman tinamaan ng bala si Marietta Lasac, 60-taong gulang, Principal Appraiser ng Formal Entry Division ng naturang ­ahensya. 

Sa ulat ng Makati City Police, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pananambang sa may kanto ng Lapu-Lapu Avenue at Victoria Street sa Brgy. Magallanes ng natu­rang lungsod.

Nabatid na sakay sina Manalo at Lasac ng kulay  gray na Toyota Altis kasama ang isa pang Customs employee na si Charlene Salazar na nakaupo sa likuran ng sasakyan nang isang kotse ang biglang humarang sa kanilang harapan kung saan bumaba ang apat na lalaki.

Pinalibutan sila ng mga lalaki at pinipilit na buksan ang bintana. Binasag ng isa sa mga salarin ang bintana ng kotse tiyempo naman na pinaandar ni Manalo ang sasakyan ng pa-reverse. Dito nagpaputok ang mga suspek sanhi para tamaan sa kamay si Manalo at sa katawan si Lasac na nakaupo sa passenger seat.

Nagawang makahingi ng tulong ng mga biktima sa malapit na barangay outpost kaya nadiskaril ang plano ng mga suspect at mabilis na nagsitakas.

Isinugod ang dalawang biktima sa pagamutan nasa maayos nang kalagayan. 

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ng pananambang ang pitong cartridge at apat na napaputok na bala buhat sa hindi pa mabatid na kaliber ng mga baril. Isinuko rin ng mga opisyal ng barangay sa pulisya ang 18 pang napaputok na cartridge bilang ebidensya.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid ang motibo at mga taong nasa likod sa krimen. 

Hinihinalang pagnanakaw o pagkidnap ang motibo sa krimen.

 

CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with