^

Metro

Barangay chairman sa Maynila, dedo sa riding-in-tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman sa Maynila, dedo sa riding-in-tandem
Si Brgy. Chairman Alfredo Lansigan nang bumulagta sa may Dagupan St. matapos siyang pagbabarilin ng tandem na suspects.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 49 -anyos na  barangay chairman nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital (CGH) ang biktimang si Alfredo Lansigan, chairman ng Brgy.  161, Zone 14, residente ng NHA Room  Dagupan Extension, Tondo, Maynila sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking suspek na magka-angkas sa hindi naplakahang motorsiklo na kapwa nakasuot ng bull cap at armado ng handguns.

Sa ulat ni P/Staff Master Sergeant Bernardo Cayab­yab kay Manila Police District-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga sa Dagupan St. malapit sa panulukan ng Solis St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon kay  Joan Santos, secretary sa barangay may tumawag pa sa cellphone ni Chairman Lansigan at mabilis umanong nagbihis at umalis sakay ng motorsiklo bago ang insidente.

May isang linggo na umano ang nakalipas nang makatanggap ng death threat ang nasabing tserman.

Base sa kuha ng closed circuit television (CCTV), nakabuntot sa biktima ang riding-in-tandem na mga suspek at ilang segundo lang nang siya ay dikitan at bumagsak na ito mula sa motorsiklo.

Inakala lang ng ilang mga motorista sa lugar na may pumutok na gulong bago nakita ang pagbagsak ng biktima. Isinugod pa sa nasabing pagamutan ang biktima na hindi na rin naisalba.

Ayon naman kay P/Lt. Colonel Gene Licud, hepe ng MPD-Station 7, lumalabas na tinawag pa ng mga suspek ang pangalan ng chairman bago ito pinaputukan.

Apat na basyo ng bala ang narekober sa crime scene na area of responsibility (AOR) ng MPD-Station 7.

 

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with