^

Metro

Kahon inabandona sa EDSA, inakalang may lamang bomba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Trapik lalong nagkabuhul- buhol

MANILA, Philippines — Nagdulot ng matinding tens­yon sa mga motorista at pagkabuhol-buhol ng trapiko ang isang inabandonang  malaking kahon na napagkamalang may lamang bomba sa underpass ng EDSA-Shaw Boulevard, Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Col. Remigio Sendanto, hepe ng Mandaluyong City Police Director, bandang alas-9:45  ng umaga  nang maispatan ng mga street sweepers ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kahina-hinalang kahon sa center island sa northbound lane ng Edsa-Shaw underpass sa lungsod.

Kaagad namang ini-report ng mga street sweepers sa mga awtoridad ang insidente at mabilis na kinordon ng mga idineploy na tauhan ng Explosive Ordnance Dispo­sal (EOD) team ng pulisya ang lugar dakong alas-11 ng tanghali.

 “The MMDA closes multiple lanes on EDSA, near Shaw Boulevard underpass on Friday morning as precautionary measure after a large, suspicious box is left in the area,” anang opisyal.

Ang inabandonang kahon ay inilagay sa tabi ng poste ng Metro Rail Transit  (MRT) na labis na ikinaalarma ng mga motorista na dumaraan dito.

Nagkabuhul-buhol naman ang trapiko matapos pansamantalang isara ng mga awtoridad ang northbound lane sa nasabing underpass habang masusing iniinspeksyon ng mga bomb squad team ng Explosives and Ordinance Division (EOD) ng pulisya ang kahon.

Gayunman nang busisiin ang laman ay nadiskubreng  negatibo ito sa anumang uri ng pampasabog na pawang ‘waste materials ‘ tulad ng mga Styrofoam lamang ang laman.

 Samantalang, agad din namang binuksan ng mga awtoridad sa motorista ang lugar matapos na mabatid na ligtas ang sinuman sa anumang banta ng karahasan.

Kasalukuyan nang inaalam kung sino ang nagtapon ng kahon ng basura  na nagdulot ng pagkaalarma sa mga motorista na dumaraan sa lugar.

 

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with