^

Metro

Safehouse ng KFR ni-raid: 1 patay, 4 arestado

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Safehouse ng KFR ni-raid: 1 patay, 4 arestado
Nakilala ang nasawi na si Leo Dela Fuente, isa umano sa namumuno sa sindikato habang nadakip ang mga kasamahan nito na sina Rosalinda Garcia, Christine Joyce Garcia, Joseph Nicholas Garcia Jr. at Julieto Tering, 75-anyos.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng pulisya ang safehouse ng isang kidnapping group na kadalasang bumibiktima sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR)  kung saan isa sa miyembro nito ang napatay habang apat pa ang nadakip sa magkakasunod na operasyon na ikinasa ng National Capital Regional Police Office sa Caloocan at Bulacan kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Leo Dela Fuente, isa umano sa namumuno sa sindikato habang nadakip ang mga kasamahan nito na sina Rosalinda Garcia, Christine Joyce Garcia, Joseph Nicholas Garcia Jr. at Julieto Tering, 75-anyos.

Sa ulat na inilabas ng NCRPO, nagkasa ang iba’t  iba nilang operating units katuwang ang Police Regional Office 3, Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police Office at Anti-Kidnapping Group ng magkakasunod na operasyon para lansagin ang grupo.  

Armado ang mga pulis ng tatlong warrant of arrest na inilabas ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89 para sa mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. 

Target ng pulisya na madakip ang mga suspek na sina Romeo Manalastas, alyas Bakal, Joever Garcia at Lloyd Antonio.

Unang sinalakay ng pulisya ang kuta ni Garcia sa may Aster Street, Residencia Regina, Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan dakong alas-2 ng madaling araw. Dito nagkaroon ng palitan ng putok nang manlaban ang mga lalaking nasa loob ng bahay at nagresulta sa pagkasawi ni Dela Fuente.

Ikalawang nilusob ng mga pulis ang bahay sa Sta. Rita Phase, Deca Homes sa Brgy. Loma de Gato ngunit nakatakas ang suspek na si Mana­lastas. 

Sunod na tinumbok ang bahay sa Residencia de Muzon sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan kung saan nadakip sina Rosalinda Garcia, Christine Joyce Garcia at Joseph Nicolas Garcia habang nakatakas naman ang target na si Joever Garcia.

Sinalakay din ang bahay sa Sikatuna Avenue, Urduja Village sa Caloocan City kung saan nadakip si Tering ngunit natakasan naman sila ng target na si Antonio. 

Huling nilusob ang bahay sa Cuenca Street, Congress Village, Brgy. 173 Bagumbong, Caloocan pero minalas din na madakip si Manalastas.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga operasyon ang dalawang M-16 rifles, siyam na handguns, isang shot gun, sari-saring mga magazine at bala, tatlong granada, mga gadget, sari-saring PNP at CIDG uniforms, tatlong sports utility vehicles (SUV), isang motorsiklo, isang radyo at iba pang kagamitan sa operasyon.

Sinabi ni NCRPO Director, P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar na matagal na nilang iniimbestigahan ang grupo sa ilang reklamo na kanilang natatanggap kabilang ang ilang opisyal ng BIR na nabiktima ng grupo.  

Hindi rin ipinagsasa­walang-bahala ni Eleazar na may koneksyon ang sindikato sa mga tiwaling pulis dahil sa pagtataglay ng mga uniporme at iba pang gamit pampulis sa mga sinalakay nilang lugar.  (Dagdag ulat ni Omar Padilla)

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

KFR SAFEHOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with