Kinilala ni PDEA Dir. Aaron Aquino ang suspek na si Arnold Emmanuel, residente ng Eastwood, Brgy. Bagumbayan, Que­zon City.
Boy Santos
Mister huli sa P1.4-M ecstasy
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mister kung saan nakumpiska dito ang P1.4 milyong  halaga ng ecstasy sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PDEA Dir. Aaron Aquino ang suspek na si Arnold Emmanuel, residente ng Eastwood, Brgy. Bagumbayan, Que­zon City.

Ayon sa report, dakong alas-12:59 ng madaling araw nang ikasa ng PDEA ang operasyon laban sa suspek makaraang makakuha ng impormasyon na nagbebenta ito ng ipinagbabawal na ‘party drug’. Isang ahente ng PDEA ang nagkunwaring bibili ng ecstasy at sa aktong inaabot ng suspek ang bawal na gamot ay agad itong pinosasan.

Nabawi pa mula sa suspek ang 465 na tableta ng ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 milyon.  Nakakulong ngayon ang suspek sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with