EPD HQ, ililipat sa San Juan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa Pasig City ay ililipat na sa San Juan City ang headquarters ng Eastern Police District (EPD).

Ito ang magandang balita na inanunsyo kahapon ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora sa kanyang mensahe, nang magsilbing keynote speaker sa ika-45 founding anniversary ng EPD.

Ayon kay Zamora, ang bagong district headquarters, na nagkakahalaga ng P200 milyon, ay itatayo sa tabi ng government center at katapat lamang ng San Juan city hall.

Ito aniya ang kanyang parting gift kay outgoing EPD Director P/BGen Nolasco Bathan, na nakatakda nang palitan sa puwesto dahil na rin sa balasahang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP).

“As a parting gift to you, Gen. Bathan, I will give you a new district headquarters in San Juan. I will give the next district commander, the Eastern Police District, a permanent district headquarters,” bahagi pa ng mensahe ni Zamora.

Nabatid na ang kalahati ng pondo para sa proyekto ay mula sa mambabatas habang ang natitira pang P100-milyon ay mula naman kay dating PNP director at ngayon ay Senator Panfilo Lacson.

Tiniyak din ni Zamora na hindi ito isang pangako lamang dahil mayroon na aniya silang budget para dito, at nais aniya niyang ito ang kanyang maging legacy project bago tuluyang matapos ang kanyang huling termino bilang congressman.

EASTERN POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with