Wanted na dayuhan, arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog sa mga awtoridad ang isang Indian -Singaporean national na matagal ng wanted sa kasong large scale illegal recruitment at 28 counts ng estafa sa Quezon City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Arvindt Arasu, 29 na residente ng Block 10 Lot 20 Guyabano St., Brgy. 170 Deparo 2, Caloocan City.

Ayon kay QCPD District Mobile Force Battalion (DMFB) P/Lt.Col  Rodrigo Bauto Jr, ang suspek ay inaresto dakong alas-12:25 ng tanghali sa Novaliches, Quezon City.

Dinakip ang dayuhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marie Claire Victoria, Mabutas-Sardon ng Antipolo RTC branch 97 dahil sa kasong  large scale illegal recruitment at estafa.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dayuhan.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) habang hinihintay ang commitment order ng hukuman. 

ILLEGAL RECRUITMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with