Obrero tinadtadng saksak sa lalamunan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ng kanyang nobya ang isang obrero at butas-butas ang lalamunan sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, construction worker at residente ng Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Alexiss Mace Jurado, ng CIDU-QCPD, dakong alas-8:00 ng umaga nang matagpuang duguan at wala ng buhay ang biktima ng kanyang nobya na si Jeraldine Tolentino.

Ayon kay Tolentino, nagpunta siya sa tahanan ni Valdez para bumisita ngunit nanlumo ito nang madatnan niya ang kanyang nobyo na wala ng buhay dahil sa tama ng maraming saksak sa lalamunan.

Agad na humingi ng saklolo sa mga barangay officials si Tolentino na siya namang tumawag sa ng pulis para maimbestighan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo.

STABBED TO DEATH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with