Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, bibigyan ni TESDA Chief Isidro Lapeña ng Certification ang mga gumagawa ng sapatos upang lalong maging dekalidad ang production ng mga ito.
Boy Santos
TESDA at Marikina nagsanib puwersa
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa ang pamunuan Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at lokal na pamahalaan ng Marikina City para tulungan ang mga gumagawa ng sapatos sa lungsod. 

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, bibigyan ni TESDA Chief Isidro Lapeña ng Certification ang mga gumagawa ng sapatos upang lalong maging dekalidad ang production ng mga ito.

“I recently talked to TESDA Chief Lapeña and asked him to give shoemaking a national certification or NC. Happy to announce that TESDA will have a shoemaking accreditation in the next six months,” anunsiyo ng alkalde. 

“Ang approach namin ay institutional, sinasama namin sa curriculum because there is a need for skilled workers,” aniya pa. 

Ipinaliwanag ni Teodoro na layunin ng naturang hakbang na solusyunan ang problema ng bansa sa kakulangan ng skilled shoemakers, upang makagawa ng mga de kalidad at fashionable na mga sapatos para sa publiko.

Ani Teodoro, sa halip na makipag-kumpetisyon sa isa’t isa ay nagsama-sama na ang mga manggagawa ng sapatos sa Marikina upang higit na maging organisado at magkaroon ng iisang layunin na palaguing muli ang lokal na industriya ng sapatos.

Nakatakda na rin aniya silang magbukas ng ‘One Stop Shop’, kung saan maaaring i-display at maipagbili ang lahat ng mga sapatos na gawa sa Marikina.

“This move of creating a One Stop Shop is to help our businessmen and shoemakers. If before, people have a hard time looking for shops, they can just go to this shop where all designs from various shops will be displayed and sold,” anang alkalde.

“They can buy in bulk, or we could just directly connect them with the owners. Gusto naming maging experiential ang pagbili ng sapatos sa kanila,” aniya pa.

Ipinagmalaki ng alkalde na batay sa shoe test na kanilang isinagawa, ang mga sapatos na gawang Marikina ay maaaring magtagal ng isang taon, kumpara sa ibang mga imported na sapatos sa merkado na nagtatagal lamang ng hanggang tatlong buwan.

MARIKINA CITY TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with