Napulot na wallet ng pasahero sa NAIA, naibalik sa may-ari
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang wallet ng isang pasahero na may lamang mahigit P130,000 cash ang napulot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at naibalik sa may-ari makalipas ang isang linggo.

Nakilala ang may-ari nito na si Ma. Nida B. Acuriba matapos makipag-ugnay sa kanya ang mga awtoridad sa paliparan sa pamamagitan ng social media site, Facebook.

Ayon sa ulat, gabi noong Agosto 5, 2019 nang matagpuan ni Josephine Pagoyo, isang nagtitinda ng SIM Card sa NAIA Terminal 1, ang wallet na nasa isang bahagi ng sahig sa arrival lobby ng nasabing terminal.  Kinuha niya ito at agad na ibinigay sa security guard na si Michael Pascual.  Kasama si Pagoyo, nagtungo ang dalawa sa lost and found section upang i-surrender ang wallet at maimbentaryo ang laman nito bilang parte ng documentation process.

Ang pitaka ay naglalaman ng US $ 2,000 na cash at Php 30,390 at sari-saring identification cards na may pangalan ng Ma.  Nida B. Acuriba.

Sinubukan ni Raul Caudilla ng lost and found section na makipag-ugnayan sa pasahero sa pamamagitan ng Facebook para ipaalam sa kanya ang pagkakapulot sa kanyang pitaka. 

Nagpunta si Ms. Acuriba sa NAIA nang sumunod na araw at nagpasalamat sa mga kawani ng paliparan para sa kanilang katapatan at pagsisikap na  hanapin siya para maibalik ang kanyang wallet. 

“Pinupuri ko si Ms. Pagoyo sa kanyang katapatan. Ang pagiging tapat niya ay isang magandang ehemplo na dapat pamarisan ng mga kawani sa NAIA, “sabi ni MIAA General Manager Ed Monreal.

MA. NIDA B. ACURIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with