‘Exemption’ ng students sa CAAP operated airports, sinimulan
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinatupad na kahapon ng pamahalaan ang ‘exemption’ ng mga estudyante para sa mga Domestic Passenger Service Charge (DPSC) at CAAP-operated airports.

Ang unang estudyante na nakinabang sa ‘student exemption certificate’ ay si Manila-bound passenger Sam Janolino, isang grade 8 student mula sa Sacred Heart of Jesus Montessori, Cagayan de Oro, na nag-apply ng certification sa Laguindingan airport.

Sinabi ni DOTr Secretary Tugade, na tulungan ang mga estudyante sa pamamagitan ng libreng terminal fees, sa ating domestic at international airports, as our full support sa pagsusulong sa direksyon na gustong marating ng ating gobyerno.”

Napag-alaman na dakong alas-10:00 ng umaga kahapon, may 59 students ang gumamit ng certification sa Laguindingan Airport.

Ang Malasakit Help Desks sa mga CAAP-operated airports ang magbibigay ng certification at refund counters para sa processing ng  exemption.  

Iniutos ng CAAP sa 42 participating airports na magtalaga ng mga personnel na responsable para sa pagpapa-proseso ng mga application at ang disbursement of payment para sa refund.

Ang mga Paliparan na hindi sa ilalim ng CAAP tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan-Cebu International Airport (MCIA), Clark International Airport (CRK), at Caticlan Airport ay hindi kasama sa pagpapatupad.  

Samantala, nagpalabas ang Office for Transportation Security(OTS),  ng updated list ng mga prohibited items o items mga na hindi dapat dalhin sa mga paliparan matapos palawigin ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ang mga ipinagbabawal na mga bagay sa ilalim ng international standards.

Nilinaw ng transportation security na ang revised list ng ICAO ay subject sa special requirements o instructions mula sa airlines.

Ang mga bawal dalhin sa loob ng airport at eroplano ay mga chemicals at iba pang toxic substances.

STUDENTS EXEMPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with