Ang suspek na nanghalay at nagsako sa isang 8-anyos na nene sa Taguig matapos madakip ng pulisya.
8-anyos ni-rape, isinilid sa sako
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 8-anyos na nene ang ginahasa at saka isinilid sa sako sa pag-aakalang patay na ng isang construction worker kamakalawa ng hapon sa Taguig. 

Nagpapagaling na sa pagamutan ang biktima na itinago sa pangalang Jane habang nadakip naman ang suspect na si Sotero Manugud Jr., 33-anyos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, alas-3 ng hapon nang maganap ang krimen sa Brgy. Ibayo Tipas. Naglalakad pauwi ang biktima nang harangin ng suspek at alukin ng P200 para sumama sa kanya.

Nang makara­ting sa isang bakanteng lote, sinuntok at sinakal ng suspek ang biktima kaya nawalan ng malay ang paslit saka nagawang gahasain ni Manugud. Matapos ang panghahalay, inakala ng suspek na patay na ang bata kaya isinilid niya sa sako at saka iniwan.

Masuwerteng nagkamalay ang bata at kahit na iika-ika sa kanyang sinapit, nagawa nitong makauwi ng bahay at makapagsumbong sa mga magulang na dali-daling humingi ng saklolo sa mga pulis. Dito inaresto ng mga pulis ang suspek na itinanggi ang akusas­yon sa kabila na positibo siyang kinilala ng biktima.

Nahaharap ang suspek sa mga reklamong statutory rape at frustrated homicide in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sa resulta ng medical examination, lumalabas na positibo sa senyales na pinagsamantalahan ang biktima bukod pa sa mga natamong mga pasa sa mukha at katawan. 

SOTERO MANUGUD JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with