2.2 km Southlink Expressway, bukas na!
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas na para sa mga motorista ang isang bahagi ng Southlink Expressway na bumabagtas sa Taguig City patungo sa Sucat sa Parañaque City.

Inaasahan na ka­yang umabot sa tatlong minuto ang travel time ng mga motorista mula CP Garcia sa Taguig City hanggang Sucat sa pamamagitan ng 2.2 kilometrong Segment 3A1 ng C5 South Link Expressway.

Ang 2.2 kilometrong binuksang porsyon na nagkakahalaga ng P1.6 bilyon ay bahagi ng 7.7 kilometrong kabuuan ng C5 South Link project.

Target nitong ikonekta ang C5 Road sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEx) sa pagdaan sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, at Cavite.

Inaasahan na makukumpleto ang buong C5 South Link project sa taong 2021 at maseserbisyuhan ang nasa 50,000 behikulo buhat sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Ang MPTC ay isang subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

SOUTHLINK EXPRESSWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with