Grade 11 stude, pinagbabaril dahil sa selos
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas makaraang pagbabarilin ang isang 17-anyos na Grade 11 student dahil sa posibleng selos sa labas ng kanyang bahay sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang itinago sa pangalang James.

Sa salaysay sa pulisya ng ina ng biktima, alas-11:45 ng gabi nang makatanggap ng text message ang kanyang anak sa hindi kilalang numero. Matapos mabasa, lumabas ng bahay ang anak at saka siya nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril.

Nang kanyang labasin, dito niya nakita ang anak na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala sa katawan. 

 Nabatid pa sa ina na pinaghihinalaan nila ang isang kapitbahay na hindi muna pinangalanan na may kagagawan sa krimen dahil sa nagseselos umano ito sa anak na inaakusahang may relasyon sa kanyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig City Police sa krimen upang maberepika ang motibo, matukoy ang salarin at mapanagot sa krimen.

GRADE 11 STUDENT SHOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with