^

Metro

SONA, naging payapa-PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SONA, naging payapa-PNP
Naging mapayapa ang mga isinagawang rali ng magkakaibang grupo sa paligid ng Batasang Pambansa habang isinasagawa ni Pangulong Digong ang kanyang State of the Nation Address. Ang mga hindi nagpahuling pro-Duterte supporters.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Generally peaceful!

Ito ang mariing deklarasyon  ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ginanap na ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa nitong Lunes ( Hulyo 22 ).

 Kasabay nito, pinasalamatan naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang hanay ng mga raliyista sa pakikiisa sa mga awtoridad. 

Ayon kay Albayalde dahilan sa maayos na paglalatag ng seguridad ay naging mapayapa sa pangkalahatan ang SONA at walang naitalang mga bayolenteng insidente. 

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, mula umaga sa pagbandera ng mga raliyista hanggang alas-7 ng gabi ay mapayapa ang sitwasyon sa buong bansa. 

‘As of 7 pm , the PNP National Operations Center in Camp Crame reported generally peaceful and orderly situation thoroughout the country”, ani Banac.

  Nitong Lunes ng umaga, ilang oras bago ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naglibot na sina PNP Chief Police General Oscar Albayalde, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Guillermo Eleazar , Quezon City Police District (QCPD) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Batasan Complex sa venue ng okasyon.

Bago ito ay isinailalim sa full alert status umpisa nitong Sabado ang buong puwersa ng pulisya sa bansa upang tiyakin ang seguridad kung saan 14,000 pulis ang idineploy kabilang ang mahigit 9,000 sa bisinidad ng Batasan Complex at kahabaan ng Commonwealth Avenue kung saan may idinaraos na kilos protesta.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

TATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with