^

Metro

Bagong trabaho, tiniyak ni Mayor Joy B para sa taga-QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagong trabaho, tiniyak ni  Mayor Joy B para sa taga-QC
Sinabi ni Belmonte na sa kanyang 14-point executive agenda, pagagaanin din niya ang proseso ng pagrerehistro ng mga negosyo sa QC at gagawing automated ang proseso ng pagkuha ng permit at pagbabayad ng kaukulang buwis sa lokal na pamahalaan.
Boy Santos

MANILA, Philippines —  Lilikha ng mga bagong trabaho si Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa kanyang mga constituents sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ito ay sinabi ni Belmonte kasabay ng pagsasabing gagawing isang business destination ang lungsod.

Sinabi ni Belmonte na sa kanyang 14-point executive agenda, pagagaanin din niya ang proseso ng pagrerehistro ng mga negosyo sa QC at gagawing automated ang proseso ng pagkuha ng permit at pagbabayad ng kaukulang buwis sa lokal na pamahalaan.

Binigyang diin ni Belmonte na upang maging ideal destination ang QC, ipo-promote niya ang transparency sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng city’s tax rates,  gayundin ang proseso ng assessments sa mga bayarin sa lokal na pamahalaan gaya ng mga bayarin sa amilyar at iba pa.

“We will aim to issue new permits for low-risk businesses in 1-2 days, and for high-risk businesses within a week, Our businesses will understand exactly how we compute their fees and taxes. They will no longer fear hidden charges and arbitrary exactions,” pahayag ni  Belmonte.

Sa paglikha ng mga bagong trabaho , plano nitong magkaroon ng incentives  ang mga  under-developed business sectors tulad ng turismo,  arts at culture at eenganyo at susuportahan ang mga  small, at medium enterprises (MSMEs) sa QC.

Anya, ang agri-tourism, eco-tourism, heritage tourism, culinary tourism at medical tourism ay magbibigay ng dagdag na trabaho sa mga taga QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with