Nagbigay ng last minute instructions si National Capital Region Police (NCRPO) Chief Major Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis na nakatalaga sa seguridad ng idaraos na 4th SONA ni Pangulong Duterte ngayong hapon.
Non Alquitran
NCRPO handa kung haharap ang Presidente sa mga demonstrador
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director PMaj/Gen Guillermo Eleazar na handa silang protektahan si Pangulong Rodrigo­ Duterte sakaling magdesisyon itong luma­­bas sa Batasan Complex at harapin ang mga demonstrador sa kalsada ngayong araw ng State of the Nation Address.

Sinabi ni Eleazar na may nakahanda silang “contigency plan” sa oras na gawin ito ng Pangulo tulad ng ginawa niya sa nakaraang SONA.

Tinatayang 14,000 pulis bukod pa sa mga tauhan ng Armed Forces of the Phi­lippines at mga force multipliers ang ika­kalat sa mga kalsada at iba pang istratehikong lugar ngayong araw ng SONA.

Pinakamalaking puwersa ang itatalaga sa mga lugar na pagdarausan ng rally ng mga pro at anti-Duterte groups partikular sa Commonwealth Avenue at IBP Road malapit sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Ngayong taon, papayagan ng pulisya na makalapit ng hanggang 50 metro ang mga demonstrador sa Batasang Pambansa Complex south gate. Tinatayang dadagsain ng nasa 15,000 raliyista ang SONA.

GUILLERMO ELEAZAR RODRIGO­ DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with