Sa isang covered court sa Maynila, walang patid ang katuwaan ng mga tagahanga sa panonood sa TV ng laban ni Senador Manny Pacquiao kay Keith Thurman kahapon.
AFP
Lolo namatay habang nanonood ng live telecast
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay ang isang lolong tagahanga ng Pambansang kamao makaraang manikip ang dibdib nito at hindi maka­hinga habang nanonood ng live telecast ng laban ng kanyang idolo na si Senador Manny “Pacman” Pacquiao at Keith Thurman, sa loob ng isang covered court sa Barangay Sto. Niño, Marikina City kahapon ng tanghali.

Naisugod pa sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Salvador Abay, 68, ng 60 Aratiles Street, Paradise, Barangay Malanday, Marikina City, ngunit idineklara na rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-12:10 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Manotoc Covered Court na matatagpuan sa Estaquio Street, Barangay Sto. Niño.

Nasa kasagsagan umano ng panonood ang biktima sa live telecast ng laban nina Pacman at Thurman sa lugar nang bigla na lang itong mawalan ng ulirat at tuluyang bumagsak sa lapag.

Ayon sa ilang nakakita sa biktima, tuwang-tuwa umano ang matanda at napapasigaw pa sa tuwing natatamaan ng suntok ni Pacman si Thurman.

Posible umanong sobrang excitement o tuwa ang ma­tanda kaya nanikip ang dibdib nito at natumba.

Kaagad namang tumawag ng rescue at isinugod sa pa­gamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Umaasa ngayon ang pamilya ng biktima na dadalaw si Pacman sa burol ng matandang tagahanga nito sa oras na bumalik ito sa bansa. Ang Pambansang Kamao ay nanalo by split decision at naagaw nito ang title belt kay Thurman.

MANNY “PACMAN” PACQUIAO VS KEITH THURMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with