Ang paniniyak ay ginawa­ ni Eleazar sa kanyang cou­r­tesy call kay Moreno ka­sa­­bay ng pahayag na lub­­hang­ natuwa at nagulat ang ma­­rami nang lumuwag at makita ang mga kalsada na natakpan ng vendors at parking sa mahabang panahon.
Edd Gumban
Isko dadagdagan ng pulis
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Guillermo Eleazar na handa siyang magdagdag ng puwersa ng mga pulis sa lungsod ng Maynila bilang suporta sa kampanya ni Mayor Isko Moreno na malinis ang lugar mula sa vendors at iba pang uri ng obstruction.

Ang paniniyak ay ginawa­ ni Eleazar sa kanyang cou­r­tesy call kay Moreno ka­sa­­bay ng pahayag na lub­­hang­ natuwa at nagulat ang ma­­rami nang lumuwag at makita ang mga kalsada na natakpan ng vendors at parking sa mahabang panahon.

Sinabi ni Eleazar na hindi biro ang pagbabago na ginawa ni Moreno sa loob ng 22 araw kaya handa naman siyang magdagdag ng mga pulis na magmomonitor din sa mga lugar  na na-operate na upang masiguro na hindi babalik ang mga illegal vendor sa  kalsada.

Ayon naman kay Moreno­, ginawa lamang niya ang dapat na tungkulin at res­ponsibilidad ng isang alkalde. Aniya, kung nais ng Manilenyo na maibalik ang ganda ng lungsod, dapat la­mang na simulan ito sa pag­lilinis ng barangay at kalsada.

Ikinatuwa rin ni Moreno ang bansag na ‘Iskontagious’  dahil na rin sa tinutularan ng kalapit na lungsod ang kanyang paglilinis sa Maynila.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with