Binatang gumahasa sa utol ng kanyang nobya timbog
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang isang 19-anyos na binata na sinasabing gumahasa sa isang 16-anyos na babaeng kapatid ng kanyang nobya sa Bulacan, may da­lawang taon na ang nakakaraan, matapos na matukoy ang pinagtataguang lugar sa San Juan City kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Geoffrey Javillo, residente ng Purok 6, Barangay Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan.

Sa ulat ni P/Col. Ariel Fulo, hepe ng San Juan City Police, kay Eastern Police District (EPD) Director P/BGen Nolasco Bathan, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa pinagtataguan nito sa Gen. San Luis Street, Barangay Tibagan, San Juan City.

Batay sa rekord ng hukuman, nabatid na Pebrero 15, 2017 nang umano’y gaha­sain ng suspek ang Grade 10 student na biktima sa loob ng kanyang tahanan sa Ha­gonoy.

Nagtungo lamang ang dalagita sa bahay ng suspek upang hanapin ang kanyang kapatid, na nobya ng suspek, ngunit bago siya na­kaalis ay bigla na umano siyang kina­ladkad ng suspek sa loob ng bahay nito at saka isinagawa ang panggagahasa.

Nadakip lamang ito sa San Juan City nang makatanggap ng tip ang mga pulis na nagtatrabaho sa lungsod ang suspek bilang ice delivery boy.

RAPIST ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with