23 drug suspect nalambat sa Camanava
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 23 mga tulak at sugapa sa iligal na droga ang nadakip ng apat na istasyon ng Northern Police District (NPD) sa walang tigil na operasyon sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) mula kahapon ng madaling araw.

Sa datos ng NPD, anim ang nadakip ng Caloocan City Police, tatlo sa Malabon­ City Police, at tig-pito sa Valenzuela at Navotas City Police.

Kabilang sa mga nadakip ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Ta­­­ngos North sa Navotas­ ang mga suspek na sina Pablo Pinto Jr., 41; Nino Eugenio­, 41; Leslie Sigua, 43; at 62-anyos na lolo na si Nes­tor Tamayo. Anim na plastic sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

Alas-2:30 ng madaling­ araw nang maaresto naman sa isa pang operas­yon sa may Market 3 Brgy. North Bay Boulevard North sina John Arnie Peralta, 25; Noli Solayao, 24.

Sa Valenzuela, kabilang­ sa mga nadakip sina Reynaldo Alinabon, 49 at misis na si Ma. Victoria Alinabon­, 40; Virgilio Santos, 50; Bien­venido Montejo, 47; Roger Lopez, 38 at Yanci Malinosque, 39. Walong maliit na plastic sachet ang nakumpiska sa kanila sa buy-bust dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may Block 14 Lot 10 Compound 1 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Alas-4:30 ng madaling araw nang madakip naman ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang drug pusher na si Salvador Galvante, 49, sa may Bahay Bukid, Brgy. 178 Camarin.  Tatlong plastic sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanya ng mga pulis.

Bumagsak naman sa Malabon City Police ang dalawang tulak sa operas­yon dakong alas-9:30 ng umaga sa may Atis Road Brgy. Potrero. Nakilala ang mga suspek na sina Jomar Rapiz, 33 at John Carlo Espiritu, 21. Abala sa pagkumpara ng dalawang plastic sachet ng shabu ang dalawa sa kalsada nang maaktuhan ng mga pulis at arestuhin.

Kinakalap pa naman ng NPD ang ulat sa ibang insidente ng drug bust. Nakaditine ngayon ang mga suspek sa mga detention cell ng mga istasyon ng pulisya at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with