Maagap na nagkasa ng operasyon ang mga pulis, at napuna ang presensiya ng dalawang motorsiklo, na sinasakyan ng apat na suspek, at tumutugma sa impormasyong ibinigay ng impormante.
Miguel de Guzman
3 miyembro ng robbery group, bulagta sa shootout
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Todas ang tatlong lalaki  na miyembro ng ‘Hermosa robbery group’ makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., ang mga napatay na suspek ay nakilala lang sa mga alyas na Jeffrey, Nono at Bert.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-12:45 ng mada­ling araw nang makasagupa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ang mga suspek sa Biak na Bato St. sa Brgy. Sto. Domingo.

Bago ang engkwentro ay nagsasagawa ng anti-criminality at surveillance operation ang mga awtoridad laban sa mga miyembro ng  robbery group nang makatanggap ng tip na may bibiktimahin na naman sa naturang lugar.

Maagap na nagkasa ng operasyon ang mga pulis, at napuna ang presensiya ng dalawang motorsiklo, na sinasakyan ng apat na suspek, at tumutugma sa impormasyong ibinigay ng impormante.

Kaagad na humingi ng assistance sa iba pang kasamahan ang mga awtoridad at nilapitan ang mga motorcycle riding suspects. 

Gayunman, bago pa man tuluyang nakalapit ang mga pulis ay nagbunot na umano ng baril ang mga suspek saka pinaputukan ang mga alagad ng batas.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga awtoridad, na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspek, habang  nagawa ng isa pang suspek, na nakilalang si Nonoy Hermosa, lider ng grupo na makatakas lulan ng isang motorsiklo.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga napatay na suspek ang tatlong kalibre .45 na pistola na may mga bala, 2 piraso ng extra magazines na kargado rin ng bala, isang kulay orange na Honda Beat motorcycle na walang plaka at isang pakete ng shabu.

HERMOSA ROBBERY GROUP SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with