^

Metro

Belgian, timbog sa panghahalay sa 10-anyos na nene

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Belgian ang inaresto ng mga awtoridad matapos na akusahang ilang ulit na nanggahasa ng isang 10-taong gulang na nene  na kinontak lamang nito sa Facebook messenger, at ginawa umano nitong sex slave sa loob ng apat na araw kapalit ng regalo, sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang suspek na si Tony Delcart, 51, residente ng Villareal, Gulod, Novaliches.

 Si Delcart ay inaresto dakong alas-6:00 ng gabi sa   Gen. Luis St., Brgy. Nova Proper matapos na ireklamo ng rape ng ina ng biktima, na di na pinangalanan.

 Sa reklamo, nabatid na Hulyo 14, 2019 nang kontakin umano ng suspek ang biktima, sa pamamagitan ng Facebook Messenger at hinikayat na magtungo sa inuupahan nitong stall, na nasa tabi lamang ng bahay ng biktima at inalok na bibigyan ng mga regalo.

Natukso naman ang biktima na magtungo sa stall ng suspek, ngunit dito na umano siya ilang ulit na ginahasa, mula Hulyo 14 hanggang 17.

Nalaman lamang ng ina ng biktima ang sinapit ng anak nang buksan nito ang social media account ng anak, at makita ang palitan ng mensahe ng mga ito.

Kaagad na humingi ng tulong mula sa mga awtoridad ang ginang, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek, na itinurn-over na sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, para sampahan ng kasong rape sa City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

RAPE

SEX SLAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with