^

Metro

Pickup ‘lumipad’ mula sa 2nd floor ng hotel parking

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pickup �lumipad� mula sa  2nd floor ng hotel parking
Kinilala ni Pasig City Police chief Lt. Col. Rizalito Gapas, ang biktima na si Rocky Yabut, na siyang driver ng isang kulay abong pickup na may plakang NBI- 8838.

Driver  sugatan

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang   driver makaraang mahulog ang minamaneho nitong pickup mula sa ikalawang palapag ng parking area ng isang hotel sa Pasig City kung saan luma­gapak ito sa kalsada, kahapon.

Kinilala ni Pasig City Police chief Lt. Col. Rizalito Gapas, ang biktima na  si Rocky Yabut, na siyang driver ng isang kulay abong pickup na may plakang NBI- 8838.

Si Yabut ay isinugod sa Rizal Medical Center at kasaluku­yang nilalapatan ng lunas matapos itong magtamo ng pagkabali ng buto sa leeg at kaliwang braso bunga ng insidente.

Base sa imbestigasyon, bago mag-12:00 ng tanghali kahapon nang maganap ang insidente sa parking area ng Malayan Plaza Hotel, na matatagpuan sa ADB Avenue, Ortigas Cen­ter, Pasig City.

Nasa ikalawang palapag umano ng parking area ang naturang pick-up nang  mawalan ng kontrol dito ang driver kaya’t biglang bumulusok at bumagsak nang patagilid sa kalye ng Topaz Road sa kanto ng Opal Road.

Samantalang bu­nga ng insidente ay tumalsik din sa kalsada sa ibaba ang bakal na rehas na harang ng parking area nang banggain ng naturang sasakyan.

Ayon sa mga awto­ridad, mabuti na lamang at walang nabagsakan ang nahulog na sasakyan at rehas na bakal kaya’t walang nadamay sa insidente.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigas­yon ang kasong ito.

vuukle comment

VEHICLE FALLS OFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with