^

Metro

Kuta ng sindikato sinalakay: 7 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng isang hinihinalang sindikato ng iligal na droga ang nadakip habang nailigtas ang isang menor-de-edad nang salakayin ang kanilang kuta sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rovick Martinez, 18; Ruby Villota, 37; Reniel Rotap, 24; Raymond Caoc, 18; John Villota, 18; John Michael De Jesus, 22 at Ryan Oveljas, 35.  May edad 15-anyos naman ang minor na nasagip ng mga pulis na itinago sa alyas na “JC.”

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-6 ng umaga nang salakayin nila ang hinihinalang kuta ng isang grupo na nagtutulak ng iligal na droga sa may Dagat-Dagatan, Brgy. 12 ng naturang lungsod.

Armado ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 at Nothern Police District-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng search warrant na nakapangalan kay Martinez dahil sa hinihinalang pagtataglay ng baril at mga bala na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 131.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mapalibutan ng mga pulis. Dito nahulihan ang suspek na si Martinez ng isang kalibre .38 baril na may limang bala.

Nasa 21 piraso ng maliliit na plastic sachet ng shabu at isang plastic sachet ng pinatuyong marijuana rin ang na­rekober sa lugar dahilan para arestuhin ang anim pang suspek at iligtas ang menor-de-edad.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with