Tone-toneladang basura nahakot sa slaughterhouse sa Maynila
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tone-toneladang basura ang  nahakot sa loob ng Vitas slaughterhouse kahapon.

Ito’y matapos na inspeksiyunin at madiskubre noong Martes ni Manila Mayor Isko ang pagkamaru­mit ng katayan.

Ayon kay Moreno, dinaig pa sa amoy ng mga  ba­surang nasa slaughterhouse ang  basura sa Smokey Mountain na nakakasulasok na hindi dapat na nasa tabi ng  katayan at ng mga buhay na hayop.

Dahil sa kondisyon ng Vitas slaughterhouse sinabi ni Moreno na mamadaliin naman niya ang pagpapatayo ng  gusali para sa tanggapan ng mga beterinaryo  at matansero na nagsasagawa ng inspeksiyon sa mga hayop bago katayin.

Aniya, kahabag-habag ang kondisyon ng mga tauhan ng  Veterinary Inspection Board na nasa maliit na lugar lamang  sa gilid habang isinasagawa ang kanilang trabaho.

Giit ni Moreno,  ang Vitas slaughterhouse ay dating  isa sa pinakamaganda at maayos na slaughterhouse sa Asya. Napabayaan lamang ito sa loob ng anim na taon kaya’t nagkaroon na ng mga maggots.

Gayunman tiniyak ni Moreno na ligtas pa rin ang mga kinatayan na baboy at baka  na mula sa Vitas dahil sinusuri ito ng meat inspection team. Dinadala ang mga kinatay na karne sa ilang pamilihan sa Metro Manila at mga talipapa sa Maynila.

Inaasahang  mahahakot ang basura sa loob ng tatlong araw  at masimulan ang opisina ng mga beterinaryo sa loob ng  isang buwan.

GARBAGE ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with