^

Metro

4 nagpa-ransom ng kinarnap na motorsiklo, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang apat na lalaki  na hinihinalang sangkot sa carnapping sa  isinagawang entrapment operation matapos ipa-ransom ang isang motorsiklo sa may-ari nito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Kuniharu Mangaron, 22; Rommel Ofqueria, 24; Mike Jordan Serrano, 26 at Nina Nory Mendoza, 31. 

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-9 ng Miyerkules ng gabi nang dumulog sa Anti-Carnapping Unit ang biktimang si Noli Arandia, 31, at iniulat ang pagtangay sa kanyang Click type scooter (magenta) noong Hulyo 15.

Isang lalaki umano ang kumontak sa kanya para maibalik sa kanya ang motorsiklo kapalit ng mala­king halaga. Dito na nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis na isinagawa sa kahabaan ng Bisig ng Kabataan Street sa Sangandaan, Caloocan City.

Inaresto ng mga tauhan ng Ancar Unit at Station Intelligence Branch (SIB) ang apat na suspek makaraang lumapit sa biktima at umpisahan ang transaksyon dakong alas-11 ng gabi sa naturang lugar.

Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang Honda Click 125i (magenta) na pag-aari ng biktimang si Arandia, isang Suzuki Skydrive (red) na nakarehistro kay Violeta Ofqueria; isang Yamaha Mio 125S (matte black) na nakarehistro naman sa isang Joshua Arellano Rizo.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with