^

Metro

Senior, tiklo sa P230K halaga ng shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang senior citizen ang dinakip ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Parañaque City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakumpiskahan ng tinata­yang P230,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NCRPO Director, P/MajGen. Guillermo Eleazar ang nadakip na si Mohan Chandumal, alyas Mohan, 60, walang trabaho at nakatira sa Quirino ­Avenue, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi nang magkasa ang pulisya at ang mga operatiba ng PDEA ng buy-bust sa harap ng Baclaran Church sa kanto ng Roxas Boulevard at Opeña Street sa Brgy. Baclaran, ng natu­rang lungsod.

Isang tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ang umakto na buyer ng droga at nakipagtransaksyon kay Chandumal.  Nagawang makabili ng buyer ng dalawang plastic sachet ng shabu na may timbang na 10 gramo na may street value na P68,000 sa suspek.

Nang tanggapin ang bayad, dito na sumulpot ang mga pulis at inaresto ang suspek na hindi na nagawa pang makatakas.

Bukod sa naibentang droga, nakumpiska pa sa posesyon ni Chandumal ang isa pang plastic sachet na may lamang 25 gramo ng shabu na may halagang P170,000.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with